Music Video

Hero feat. Yuridope & KXLE - Dahilan (Official Lyric Video)
Watch Hero feat. Yuridope & KXLE - Dahilan (Official Lyric Video) on YouTube

Featured In

Credits

AUSFÜHRENDE KÜNSTLER:INNEN
Hero
Hero
Künstler:in
KOMPOSITION UND LIEDTEXT
Hero
Hero
Songwriter:in
Yuridope
Yuridope
Songwriter:in
Kyle "KXLE" Sarikula
Kyle "KXLE" Sarikula
Songwriter:in

Lyrics

Ano ba ang kasalanan? Ano ba ang nagawa?
Lambing, kulitan, at asaran ay biglaang nawala
Gabi-gabi na 'kong naglalasing
At madalas ay napupuna na 'ko ng nakakatanda
Pero 'di naman ang alak at mga bisyo
Paglapit ko sa 'yo ang totoong nakasama
At kung lilisanin mo 'ko
Dapat tandan mo na sa akin ay 'di ka na makakabalik
Hindi na ito mauulit pa
'Di na aayos ang napunit na
Sige nga, bigyan mo 'ko ng dahilan
Kasi 'di ko na rin maintindihan
Kung ba't gusto mo nang pakawalan ating mga nagdaan
At ang mga nabuong nakaraan
Sige nga, bigyan mo 'ko ng dahilan
Kasi 'di ko na rin maintindihan
Kung ba't gusto mo nang pakawalan ating mga nagdaan
At ang mga nabuong nakaraan
Sinisimulan mo na naman ako
Ano na naman ba ang nakain mo?
Araw-araw kang tinotoyo, umay na sa adobo
Kung patuloy na gan'yan, 'di na kakayanin ng sikmura kong
Makipagtalunan, matagal na 'kong talunan
Gusto ko na ngang talunan, lumundag para lampasan
Kasi mas pinanindigan ko 'yung pagkapit dahil sa 'yo
Tapos binabraso mo 'ko, 'di kita gan'yan na tinatrato, 'lam mo 'yan
'Di kailangan ng mahabang paliwanagan
Kaya hindi sapat ang iyong mga dahilan
'Di ako, kundi ikaw ang walang karapatan
Sa desisyon na hilaw at walang katuturan
Puwede mo naman sabihin na (na)
Aminin mo na may iba ka na (ah)
Ang dami mong pasikot-sikot
Nagmumukha na akong tanga
Sige nga, bigyan mo 'ko ng dahilan
Kasi 'di ko na rin maintindihan
Kung ba't gusto mo nang pakawalan ating mga nagdaan
At ang mga nabuong nakaraan
Sige nga, bigyan mo 'ko ng dahilan
Kasi 'di ko na rin maintindihan
Kung ba't gusto mo nang pakawalan ating mga nagdaan
At ang mga nabuong nakaraan
'Wag mo na 'kong pag-isipin pa nang malalim
Tapatin na lang kung ayaw na sa 'kin
Pagtatalo natin, 'wag nang pahabain
Malay mo naman ay aking kayaning wala ka na sa 'kin
Kasi madalas nang magdalawang isip t'wing nag-aaway
Patagal nang patagal, pansin kong nagsasayang lang ng laway
Tayong dalawa bago madala, durugan sa salita nasanay
Gano'n talaga, malamang mawala respeto sa pagsasama
Kasabay ng ating mga tawanan, unti-unti nating nakakalimutan
Kung papaano ba masimulan maiwas ang isa't isa sa kalungkutan
Ngayon nasa'n na? Sa'n na napunta? Naligaw ng patutunguhan
Sino'ng nauna o nagsimula? Relasyon ang napupuruhan
Pisi natin paubos na
'Di na din alam kung mas ayos ba'ng mag-ayos pa
Lalo kung nagiging madalang ka na din sa 'kin mangamusta
Malamang 'yan ang dahilan, alam mong tayo'y patapos na
Oh, palagi na lang ba tayong magugulo?
Palaging balewala mga punto ko
Alam kong papunta na rin sa dulo 'to
Kahit na ano ang sabihin sa 'kin
Ng mga tao, sa 'tin nakapaligid
Ay pipilitin ko na papalipasin, pero
Kung sasabihin mo sa 'king mahalaga ka sa 'kin
Ba't ka naging instrumento upang ako'y wasakin?
Alanganin, kulang sa panahong kilalanin ang isa't isa
Kaya hirap na tayo na basahin
Ikaw ang dahilan kaya sarili ko ay 'di na mahandugan
Ng oras kasi naposas na ako at minalas sa kakahawak
Ng rosas, natinik sa bawat talas
Daming sugat ang dinanas ko
Kasi ang sa 'yo nu'ng ako ang may mali
'Yun ang 'di ko pinakita sa 'yo kahit may hapdi
Dumagsa man ang pasakit na lumapit, kumakapit ako sa 'tin
At nanatili akong nakangiti
Bigat na dinala ng hirap sa 'yo ay 'di maipadama
Lumaban kahit kita na pag-ibig ay unti-unting nawawala
Hindi na nga nag-ingat, sarili ay hinayaan na
Ba't iniwanan pang walang sagot nu'ng tanungin kita
Sige nga, bigyan mo 'ko ng dahilan
Kasi 'di ko na rin maintindihan
Kung ba't gusto mo nang pakawalan ating mga nagdaan
At ang mga nabuong nakaraan
Sige nga, bigyan mo 'ko ng dahilan
Kasi 'di ko na rin maintindihan
Kung ba't gusto mo nang pakawalan ating mga nagdaan
At ang mga nabuong nakaraan
Written by: Airon Paul "Hero" Bayani, Kyle "KXLE" Sarikula, Melvin” Yuridope” Santos
instagramSharePathic_arrow_out