Top Songs By Hero
Credits
AUSFÜHRENDE KÜNSTLER:INNEN
Hero
Künstler:in
EC Orduna
Stimme und Gesang
Airon Paul P. Bayani
Stimme und Gesang
KOMPOSITION UND LIEDTEXT
Airon Paul P. Bayani
Komponist:in
PRODUKTION UND TECHNIK
EC Orduna
Produzent:in
Lyrics
Kilalanin mo
Nakakalito sa dami ng nagkakandarapa
Kilalanin mo
Kung sino ang duwag na nagpapanggap lang na matapang oh
Tumungin ka sa kapaligiran mo
Natupad ba niya lahat ng ipinangako niya sayo
Diba hindi naman wag na tayong magmaang-maangan
Dahil sa huli tayo lang rin naman ang mahihirapan
At tayo tayo lang din naman ang magtutulungan
Kung hindi pa mababalita di yan aaksyunan
Maraming bakit na tanong at ang sagot isa lang
Malamang nakahiga na yung nasa upuan
Hindi na makarinig hindi na makakita
Pero bulgaran na tinatanggi ang mga nahita
Parang mas lalong gumulo nag danak na mga dugo
Yung akalang kuro-kuro ay pinakatotoo kaya
Kilalanin mo
Nakakalito sa dami ng nagkakandarapa
Kilalanin mo
Kung sino ang duwag na nagpapanggap lang na matapang
Dumilim na ang kapaligiran mo
Nabura ng mabilis parang sulat sa pisara mga pangako niya sayo
Eh ano naman? natural na wala kang aasahan
Ilang taon na yan ilang tao na yan papalit palit at paulit ulit lang naman
Kapag isang normal na tao ang nakalaam ng kalarakan
Nagkakaron ng intensyon nakikipag-agawan
Eh pano pa kaya mga beteranong kawatan
Na maayos manamit di mo mapagkakamalan
Dadaanin niya sa salitang ingles
Malinis ‘lang mintis at sisigaw sigaw siya para intense
Kung talagang ang batas ay di lang sa mahirap nakatuon
Bakit pinayagan kumandidato ang nakakulong (pwede niyo bang sagutin?)
Kilalanin mo
Nakakalito sa dami ng nagkakandarapa
Kilalanin mo
Kung sino ang duwag na nagpapanggap lang na matapang oh
Sila sila nga ay di magkaintindihan
Pano pa tayo niyan iintindihin
Sabi nila sila ay iyong kaibigan
Pero tanging sa buwan ng mayo ka lang pagkakausapin
Kamay kamay tungo ngiti ng malapitan
Akala mo naman kung sinong birhen
Bigay damit payong para daw sa lipunan
Maliit na bagay para ang tiwala mo bilhin
Di na uso ngayon lantaran na abutan
Sa galing niya dumada ka dadaanin
Palamuti lang naman ang inyong pangalan
Pero mamamayan ang sasalo ng hirap dadanasin
Tuwing buwan ng mayo palaging maingay
Tuwing buwan ng mayo lahat sila mapagbigay
Tuwing buwan ng mayo tagpas ang mga sungay
Pero pag tapos na buwan ng mayo simula na ang pagbibitay
Ginagawa niyo ay para sa tao nga ba talaga?
O para sa pwesto na alam niyong ang mga tao ang magtatalaga
Wag kang padadala sa emosyon at mga sagot na patawa
Na nakakatawa pa sa una pero sa huli tayo na ang pagtatawanan ng mga kawatan
Kilalanin mo
Nakakalito sa dami ng nagkakandarapa
Kilalanin mo
Kung sino ang duwag na nagpapanggap lang na matapang oh
Kilalanin mo
Nakakalito sa dami ng nagkakandarapa
Kilalanin mo (kilalanin, kilalanin, kilalanin, suriin bago piliin)
Kung sino ang duwag na nagpapanggap lang na matapang oh (kilalanin, kilalanin, kilalanin, suriin bago piliin)
Written by: Airon Paul P. Bayani