Credits
AUSFÜHRENDE KÜNSTLER:INNEN
Seano
Harmoniegesang
Hondiji
Harmoniegesang
KOMPOSITION UND LIEDTEXT
Seano
Songwriter:in
PRODUKTION UND TECHNIK
Jireh
Produzent:in
Lyrics
Ang iyong pulang labi, tanaw kahit di ka lumapit
Kutis porselana parang gusto kong kumapit
Bawat indak parang lihim na panaginip
Ginugulo ang isip ko na dating kay tahimik
Bawat eksena ikaw ang hawakan
Ikaw rin ang dahilan, ganda mo'y naging batayan
Kahit di mo sadyain, para mo ring ginalingan
Kahit la kang gagawin, lalo kitang nagustohan
Galaw mo'y delikado, ligaw ang mga gago
Panalangin kong mga mata'y di na lumabo
Napapariwara sa hawak ko na nakarolyo
Patagal ng patagal akoy nararahuyo
Pwede bang ako'y makisuyo
Di ko sasayangin ang bawat Segundo
Kung pwede kang makasabay sa pag-uwi ko (si puedes venir conmigo al regresar)
At dun natin gaganapin ang panibagong yugto (allí empezaremos capítulo sin final)
Bakit ba ganon, ang ganda mo'y labis?
Di na makatakas sa bitag ng hangin
Isang tingin mo lang, alam ang ninanais
Pambihira ka naman akoy napapaamin
Kilos mo'y panira, pero sa'kin ay ginto
Minsan naging totoo, minsan rin mapag laro
Kung sakali mang mahulog sana'y di ka magbiro
At dun natin ganapin ang panibago na yugto
I'm always here for you (Estoy aquí siempre para ti)
You're my rest. I hope you're well (Eres mi Descanso Espero que estés bien)
Kapag napapatitig na sayong pula na labi
Parang may gusto pako sayo na alamin
Pwede kaba ngayon?
Gusto mo bang lumabas
Sasamahan kita, Hatid ka pa pauwi
Lagi kapa na safe, never to malalate
True love di nato fake, Ikaw yung favorite cake ko
Ayokong mawala ka pa di ko yun kakayanin
Madalas nalang na sumaya kukunin pa sa akin?
Hay nako, wag ganun, Sayo nalang ako umayos sa pagiging magulo
Kahit pa pilitin mo ng pilitin para paaminin
Laging sasabihin ikaw lamang baby
Bakit ba ganon, ang ganda mo'y labis?
Di na makatakas sa bitag ng hangin
Isang tingin mo lang, alam ang ninanais
Pambihira ka naman akoy napapaamin
Kilos mo'y panira, pero sa'kin ay ginto
Minsan naging totoo, minsan rin mapag laro
Kung sakali mang mahulog sana'y di ka magbiro
At dun natin ganapin ang panibago na yugto
Written by: Sean Matthew Tarepe