Lyrics
'Di sapat ang tono at gitara
Sulat at kanta para sa nadarama
Nitong puso ko para sa iyo
Papatunayan kong ito'y totoo
'Di pa rin ako magbabago kahit na tumaba ka pagdating sa dulo
Kulubot man ang balat at puti na ang buhok
'Di ako maiinis kahit gabi-gabi, ang lakas mong humilik
Araw-araw pa rin kitang mamahalin
Ang tanging mamahalin hanggang sa dulo
Ay ikaw na siyang buhay sa aking mundo
Kaulayaw sa pagtanda, 'yan ang pangako
Ganyan ang pag-ibig ko
Tuwing magsusungit ka ng walang dahilan
Ika'y pagpapasensyahan, alam kong gutom lang 'yan
Kahit magselos ka, sa panaginip mo'y may iba
Akong minamahal, yayakapin lang kita
'Di ako maiinis kahit awayin mo ako, handa akong magtiis
Lalambingin ng yakap na kay tamis
O, igagawa kita ng paborito mong kape, iced caramel, 'di ba?
Tapos 'pagluluto naman kita
Ang tanging mamahalin hanggang sa dulo
Ay ikaw na siyang buhay sa aking mundo
Kaulayaw sa pagtanda, 'yan ang pangako
Ganyan ang pag-ibig ko
Ang tanging mamahalin hanggang sa dulo
Ay ikaw na siyang buhay sa aking mundo
Kaulayaw sa pagtanda, 'yan ang pangako
Ganyan ang pag-ibig ko
Written by: Francis Contemplacion