Top Songs By Matthaios
Credits
AUSFÜHRENDE KÜNSTLER:INNEN
Matthaios
Künstler:in
Kevin Canaynay
Gitarre
KOMPOSITION UND LIEDTEXT
Jun Matthew Brecio
Komponist:in
PRODUKTION UND TECHNIK
Jun Matthew Brecio
Produzent:in
Lyrics
Matthaios be wonerin'
Nakakatamad lang magsimula ulit
Yung tipong baka 'di mo trip kung pano 'ko manamit
Yung mga pamantayan mo baka 'di ko makamit
Baka mas gwapo rin yung ex mo at hindi ko ma-reach
Pero sige pa rin at ako ay nag-DM
Tanong sa 'yo kung Anime o K-drama ang hilig
Tuluy-tuluy usapan at ayoko na matigil
Niyaya na magkita at hindi na makapigil
Laging sagot ay busy ka o merong duty pa
Baka hindi mo ako type o kaya choosy ka
Sumubok pang isa, at sa wakas ika'y um-oo
Sa Lunes magkikita, markado sa kalendaryo
Agad nag-click tayong dalawa
Hindi nakapag-pic, puro usap talaga
Kakakilala ko lang sa 'yo pero bakit gan'to?
Sobrang pamilyar agad sa akin yung presensya mo
Pwede palang mangako nang hindi basta napapako
Pwede rin palang umibig nang madali, hindi nag-iisip kung may nagawa ba 'kong mali
Pwede palang pag-usapan ang ating pinagdadaanan
Nakakapanibago lang na sobrang dali kasi dati para bang ang hirap kong mahalin, yeah
Nung medyo tumagal ay pinakilala na kina mama
Dun ko rin nakita na magaling kang makisama
Kung titingnan parang matagal na magkakilala
Hay nako, sino ba kasi yung nag-akala na pwede pala 'to?
Pwedeng tama rin ako?
Pwede pala yung nagbibigayan tayo
Kahit minsan magulo o kaya nagtatampo
'Di kailangan usap natin ay malabo
Sorry, ang daming alam
Ang dami ko pang ebas
Pero sa totoo lang, yung mga gusto kong iparating sa 'yo, pwede naman ibuod sa ganito eh
Lala, gusto kita
Sana ikaw na talaga nakatadhana
Pwede palang mangako nang hindi basta napapako
Pwede rin palang umibig nang madali, hindi nag-iisip kung may nagawa ba 'kong mali
Pwede palang pag-usapan ang ating pinagdadaanan
Nakakapanibago lang na sobrang dali kasi dati para bang ang hirap kong mahalin, yeah
Written by: Jun Matthew Brecio