Credits

AUSFÜHRENDE KÜNSTLER:INNEN
ALLURA
ALLURA
Künstler:in
Kelly Corpuz
Kelly Corpuz
Künstler:in
KOMPOSITION UND LIEDTEXT
Kelly Corpuz
Kelly Corpuz
Songwriter:in
Justine Manansala
Justine Manansala
Komponist:in

Lyrics

Maidadaan kaya sa isang awitin
Sa tala ang hiling ikaw ay mapasaakin
Nakatitig sa malayuan
Ako ba ay nasisilayan
Ohh, Ohh
Mapapansin mo ba yung tipo na katulad ko
Na nasa sulok ng mata at 'di kumikibo
Sinusundan ang kilos mo kahit na patago
Mapapagbigyan ba kung nais na magpasalo
'Di ko na ata kayang magpa sulyap-sulyap lang
Ako na tong lalapit wag mo sanang layuan
Let me cater to you, my baby this is your day
Your day, my baby
Matagal ko na nga tong tinatago-tago
Pininta kong larawan, laman ay mukha mo
Aaminin ko pa ba, o parang delikado
Nais mapalapit ako'y interesado, kaso papaano
Palagi ka na ngang laman ng isip
Ako ay napapatanong
Masyado na ba akong lulong
Mapapansin mo ba? O sana'y hindi dehado
Ayoko din sabihin baka ako'y tablado
Alam ko sa sarili kong ako'y sigurado
Kailangan magpapakipot kahit na aminado
'Di ko na ata kayang magpa sulyap-sulyap lang
Ako na tong lalapit wag mo sanang layuan
Let me cater to you, my baby this is your day
Your day, my baby
Mata'y kumikinang pag nakikita ka
Sikmurang may paru-paro, damang-dama
Pinilit na iwasan ang nadarama
Ngunit isang iglap ako'y nabihag na
'Di ko na ata kayang magpa sulyap-sulyap lang
Ako na tong lalapit wag mo sanang layuan
Let me cater to you, my baby this is your day
Your day, my baby
'Di ko na ata kayang magpa sulyap-sulyap lang
Ako na tong lalapit wag mo sanang layuan
Let me cater to you, my baby this is your day
Your day, my baby
Written by: Justine Manansala, Kelly Corpuz
instagramSharePathic_arrow_out