Credits
KOMPOSITION UND LIEDTEXT
Victoria Dumale
Songwriter:in
John Matthew Dumali
Songwriter:in
Lyrics
Bata pa lamang ay dumanas na ng hirap
Sa murang katawan ay natutunan ng magsigap
Upang kumita't makatulong sa magulang
Patuloy sa pagkayod wala pa sa wastong gulang
Batang babae na may edad katorse
Sa hamon ng buhay ay di inosente
Namulat sa realidad at diskarte
Di naging bingi sa bawat ingay ng palengke
Di naging hadlang ang kahirapan sa pangarap
Todo ang kayod kanyang pagsusumikap
Tunay sa tunay wala ding halong arte
Ito ay istorya ng mapagmahal kong ate
Kahit sa murang edad
Pag-iisip ay namulat
Kahirapan ay hindi naging hadlang
Isinan tabi pangarap
Para sa inyong pangarap
Ngayo'y sabay-sabay na aangat
Hindi naging balakit hirap ng nakaraan
Lahat ay ginalawan lahat na klase paraan
Patungo sa pangarap nais niyang mapuntahan
Sinubok din ang panahon at kanya ding nalagpasan
Hanggang magkaedad patuloy na sumasabak
Maputik mang daan di tumigil sa pagtapak
Plano'y matupad at magagandang balak
Ginhawa ng buhay ang gusto niyang matahak
Upang masuklian ang pagod ng magulang
Salat sa pera sa pagmamahal hindi nagkulang
Tunay sa tunay wala ding halong arte
Ito ay istorya ng mapagmahal kong ate
Kahit sa murang edad
Pag-iisip ay namulat
Kahirapan ay hindi naging hadlang
Isinantabi pangarap
Para sa inyong pangarap
Ngayo'y sabay-sabay na aangat
Dahil sa sipag at tiyaga ay
May pinto na bumukas
Ngunit meron siyang pamilyang
Maiiwan sa Pinas
Kailangan niyang gawin
Ang lahat ng sakripisyo
Lahat ay tiniis
Kahit na anong trabaho
Lahat ay gagawin
Para sa pamilya
Ang pagtulong sa kapwa
Ay hindi na rin iba
At hindi naging madamot
Sa kanya ang panahon
Unti unting nagliliwanag
Madilim niyang kahapon
At ngayon ang panahon
Para sarili mo'y isipin
Kasama mo kami
Sa iyong pangarap na mithiin
Tunay sa tunay wala kang halong arte
Salamat ang marami
Mapagmahal kong ate
Kahit sa murang edad
Pag-iisip ay namulat
Kahirapan ay hindi naging hadlang
Isinantabi pangarap
Para sa inyong pangarap
Ngayo'y sabay-sabay na aangat
Kahit sa murang edad
Pag-iisip ay namulat
Kahirapan ay hindi naging hadlang
Isinantabi pangarap
Para sa inyong pangarap
Ngayo'y sabay-sabay na aangat
Writer(s): John Matthew Dumali, Victoria Dumale
Lyrics powered by www.musixmatch.com