Music Video

Featured In

Credits

KOMPOSITION UND LIEDTEXT
Antonio Jr Escobar Fonbuena
Antonio Jr Escobar Fonbuena
Songwriter:in
Reynante Rulloda Zapata
Reynante Rulloda Zapata
Songwriter:in

Lyrics

Oh-woah
Oh-woah-oh-oh
Mah1waga
Nasa gilid lang ako, tahimik, 'di umiimik
Mga tinginang lalo pang lumalagkit
Hindi na mapakali't
Nais ko nang idikit ang mga labi ko sa'yong pumapatid
Ng aking uhaw sa iyong tamis
Hindi ko na alam ang gagawin
Pa'no nga ba kita aangkinin?
Kung maski lapitan ka'y hindi ko kaya na gawin
Hindi ko naman
Ito sinasadya na maramdaman
Parang panaginip na biglang
Ika'y dumating
Ngayo'y humihiling
Na iyong mapansin
Ang sekreto ko na pagtingin
Sa pagkagat ng dilim nais kang makatabi
Ang dami kong gustong sabihin pero 'di ko masambit
Hanggang kailan ko matatago ang lihim na pagtingin
Lihim na pagtingin sa'yo
Oh-woah, Oh-woah-oh
Lihim na pagtingin sa'yo
Tuwing nakikita na kitang papalapit
Pilit kong iniiwasan ang mga tingin
Kasi lalo lang kitang gusto na angkinin
Di ba pwede na mapasakin
Mga Mapupungay na iyong mga mata
Mga ngiti maging ang iyong mga salita
Mananahimik ba 'ko at aasa sa wala
Susugal ba sa malabo na
Iyong pagbigyan, nararamdaman
Ako'y nadarang sa apoy ng iyong pagmamahal
Gusto na kitang iuwi kung saan tayo lang ang laman
Paraiso at kaharian
Sa pagkagat ng dilim nais kang makatabi
Ang dami kong gustong sabihin pero 'di ko masambit
Hanggang kailan ko matatago ang lihim na pagtingin
Lihim na pagtingin sa'yo
Oh-woah, Oh-woah-oh
Lihim na pagtingin sa'yo
Ititikom ang bibig
Magpaparinig na lang sa'yo
Ng tunay na nararamdaman ko
At ika'y hihintayin
Aasang mapasa'kin kahit na malabo 'to
Para sa'yo
Sa pagkagat ng dilim nais kang makatabi
Ang dami kong gustong sabihin pero 'di ko masambit
Hanggang kailan ko matatago ang lihim na pagtingin
Mah1waga x Yui
Lihim na pagtingin sa'yo
Oh-woah, Oh-woah-oh
Lihim na pagtingin sa'yo
Written by: Antonio Jr Escobar Fonbuena, Reynante Rulloda Zapata
instagramSharePathic_arrow_out