Music Video

1096 Gang - MGA BUANG (Cypher2) prod. by ACK
Watch 1096 Gang - MGA BUANG (Cypher2) prod. by ACK on YouTube

Featured In

Credits

AUSFÜHRENDE KÜNSTLER:INNEN
1096 Gang
1096 Gang
Künstler:in
KOMPOSITION UND LIEDTEXT
Genesis Lago
Genesis Lago
Songwriter:in
Dan Gerald Saribay
Dan Gerald Saribay
Songwriter:in
Paulo Manlod
Paulo Manlod
Songwriter:in
Jeremy Ganzon
Jeremy Ganzon
Songwriter:in
Lou Ashley Isidro
Lou Ashley Isidro
Songwriter:in
1096 Gang
1096 Gang
Arrangeur:in

Lyrics

Damn
Yo, yo
Hm?
1096 Gang
ACK on this motherfuckin' beat, man
Mga buang, mga buang
Ang ligalig na naman ng mga letra sa 'king isip
Hindi ako malalim pero 'di ako makitid
Mahirap kalabanin ang kagaya kong tahimik
Madali akong basahin kung lengguwahe mo'y pag-ibig
Busog na naman ang utak ng mga sabik
Mga rimang sangkatutak, kumakalabit
Sa gan'tong mga bagsakan, sige, makinig
Para kaming mga Wu-Tang, kuya na sa game
Pero pasensiya kung madalang maglabas ng mga bago
Mas lalo lang inaral ang sariling pagkatao
Tahimik na minamasdan ang bawat pagbabago
Sobrang daming natutunan, feeling ko, baliw na nga 'ko
Tingin nila'y 'di normal ang gan'tong mentalidad
Masama bang tuklasin sariling abilidad?
Ginagamit nang maigi buhay na dekalidad
Alam ko sa 'king sarili kung ano'ng kapasidad
Lumipad, angat estado, at sarili, 'di bangko
Ginalawan nang maigi 'to, nawili, lumago
Sabi na mananatili paghinga man malagot
'Di kalaban ang sarili, kaya labo mabagot
Teka, 'di nayayamot, inaaliw lang ang sarili
Inalam at pinulido nang maigi ang pinili
'Di basta nagtitiwala na't bilang lang sa daliri
Ang mga nagiging kadikit kaya 'di maiipit
Kitang-kita pagkasilip, dilat dalawang mata
Subok mali at tama, naranasan kumbaga
'Di kailangan hambingin pa para lang ikumpara
Mapanganib lang basta dahil sa pagtataka, ano ba?
Walang bago, masanay ka na nga sa mga tao
May opinyon ano man magawa mo
'Ya mabuti na ayusin ang sarili mo bago nasa paligid mo
Ano man maging hilig mo, dapat ibigin mo
Layo ng nilibot ng paa, paikot-ikot
Gano'n pa rin 'yung pakay ko, tagumpay ay mahakot
Mga matang mapagmasid, sila 'yung natatakot
'Pag mali nila napupuna, gusto pang tinatago
Walang ibang sagot, sarili lang naman
Kung mayro'n din balakid, 'di na 'ko tatalaban
Kahit paulit-ulit mangulit 'yung mga harang sa daan
Sila rin ang maiipit sa pinasok, tandaan
Mga aral, ihuhubog ka nang tama
Depende pa'no mo gamitin 'to na parang pana
Palagi sa maayos ang asta pati na rin ang pagdala
Pansing mali pagkadapa; pagkatayo, buo ko na
Mga pangarap, nilalakad patago
Nasa bungo nilalabas, gusto rin lumayo
Kung sino man katabi kasama na lumago
'Wag niyo kaming husgahan sa pinasok na mundo
Dama mo enerhiya 'pag kami lumalakad
Laghari sa umaga, sa gabi pasalamat
Kasama mga tropang 'di lahat umaamat
Pero maayos maglayag, tinatawid mga dagat
Kamalayan ko ay Pasipiko
Hindi na para talaban ng parasitiko
Walang puwang 'yung mga laway na may asido, lamon 'yan sa pag-ibig ko
Alam ko sa sarili minsan din akong nalilito
Pero parte ng laro 'yan
Araw-araw bagong katauhan
Laging binabago ng bagong natutunan, minsan natutunaw
Tanong ko sa sarili, "Ano ba 'tong napasukan?"
Tagal nang natauhan, minsan nang biniro ng mundo at nabatukan
Nilunok mga maling akala, nabulunan
Alam ko malala na pero 'di pa 'to, pero 'di pa 'to 'yun
Tunog na siguradong may magyuyugyugan
Mga ulo na sumasabay, nag-aalugan
Siksik na mga letra ay nag-uumpugan
"Ano kanilang pangalan?" Sabi sa bulungan
Walang pinag-iba ang labas at kulungan
Masikip ay pinalawak gamit ang isipan
Nangyari na sa isip parang naihipan
Alam mo kung bakit? Kasi pinag-igihan
Kami 'yung akala mong chill lang sa buhay
Marunong magdala kahit damit lang sa ukay
May dating kami pumorma, sa pagsulat ay mahusay
Itong pinapakinggan mo ang nagpapatunay
Kami 'yung akala mong chill lang sa buhay
Marunong magdala kahit damit lang sa ukay
May dating kami pumorma, sa pagsulat ay mahusay
Itong pinapakinggan mo ang nagpapatunay
'Wag mo sanang husgahan ang mga nilalaman (nilalaman)
Gusto lang namin naman nilang maintindihan
'Wag mo sanang husgahan ang mga nilalaman
Gusto lang namin naman nilang maintindihan
Mga buang, mga buang
Yah
1096 Gang, batang Mandaluyong
Shout-out, ACK
Yeah, yeah, yeah (bro)
Bro
Bro
Written by: Dan Gerald Saribay, Genesis Lago, Jeremy Ganzon, Lou Ashley Isidro, Paulo Manlod
instagramSharePathic_arrow_out