Credits
AUSFÜHRENDE KÜNSTLER:INNEN
2NX
Künstler:in
KOMPOSITION UND LIEDTEXT
Jestony Recanel
Songwriter:in
Lyrics
Ito\'y karangalan,na ako\'y mapabilang
Ako\'yong asahan, di kita iiwan
Aking kapatiran,lagi kang naka antabay
Handang umalalay sa anong bagay at makiramay
Ang hamon nang buhay, sadyang hindi madali
Iba\'y di nakayanan at humantong pa sa pagkasawi
Di tayo pagagapi, hanggang sa tayo ay magwawagi
Di man ito madali, Di mo ma titibag
Cho.
Ang Puso ng ALAKDAN
Nananalaytay sa aming dugo
Anong pagsubok ng kapatiran
Taas noo kaming naka tayo
Ako\'y isang ALAKDAN
Ang kaagapay mo\'t kadugo
Sama sama at pagkakaisa
Yun aming layunin saaming Hukbo
Verse1.
Dalawang Libo\'t dalawampu Oktobre uno itinatag
Ni Chairman BARAKU, Samahang di matitibag
Respito at Pagmamahal, Binibigay sa bawat isa
Ako\'y Guardians Alakdan, at pinagmamalaki kita
Isang Kapatiran, na ang hangad ay makatulong sa bawat tao
Diyos ang aming sandigan at karamay sa lahat ng planu
Lunurin man ng mga suliranin Kahit mas matindi pa
pagkat Kayang kaya kung sama sama lahat ay nagkakaisa
Pagtulong sa kapwa,sa mga nangangailan,
Serbisyong walang kapalit, ito ay para sa bayan.
At aming pinaglalaban para sating Kaligtasan
Pangalagaan ang kapakanan ng ating kalikasan
at Kabutihan ang naidulot, Kapatid salamat payo
Mga aral na napupulot, lalo na pakiki-pagkapwa tao
Kapatiran na binuo, mananatili itong matatag
at Hindi na kailangan pa ng ilaw, Pagkat naglalagablab
Verse2
Nagpapasalamat ako ng buo, sa lahat ng aking mga kapatid
Hindi kayo samin nagpapabaya, andyan lang kayo at nagmamasid
Magkaiba man ang estado ng buhay, pantay ang turing sa bawat isa
Napakasaya na may kakampi kang malalapitan at mag inspira
Tagapagtanggol ng naapi, Kung sino man ang lumabag
Sa batas ng ating lipunan, handang tumulong at pumalag
Ang Guardians Alakdan ibang klase ang dalang kamandag
Ating mundo man ay sasakluban,ay mananatili tayong matatag
Hanggang kamatayan, itataas ko ang bandera ng ating hukbo
Ipaglalaban ang karapatan, hanggang sa huling patak ng dugo
Handang makikipag buno, sabay iangat ang sulo, patuloy sa paglalakbay
Kahit pa mangangalay merong aalay sayo hanggang magtagumpay
Ano man ang mangyari, tayo ay mananatili parin
Ano mang pasanin, sama-sama nating titibagin
Lahat kakayanin, ano mang klase na suliranin
Di nyo ba to napansin, di mo matitibag ang puso ng alakdan
Written by: Jestony Recanel