Featured In

Credits

AUSFÜHRENDE KÜNSTLER:INNEN
FJ Salcedo
FJ Salcedo
Künstler:in
KOMPOSITION UND LIEDTEXT
Florence Jay Salcedo
Florence Jay Salcedo
Songwriter:in
John Lester Baliguat
John Lester Baliguat
Arrangeur:in
Marvin Blue Corpus
Marvin Blue Corpus
Arrangeur:in
PRODUKTION UND TECHNIK
Florence Jay Salcedo
Florence Jay Salcedo
Produzent:in
John Lester Baliguat
John Lester Baliguat
Produzent:in

Lyrics

Laman pa ba ako ng iyong panaginip
Sa tuwing ang iyong mata'y nakapikit?
Naaalala pa ba'ng kahapon natin
Na pinipilit nang burahin?
Parehong napagod
At di na naiwasang maanod
Ligaya't tiwalang nabuo
At di ko inakalang aabot
Dito sa dulong
Pareho nating pinigilan
Ngunit tadhana na ang gumawa ng paraan upang
Di na umasa pa na tayo hanggang sa huli
Nang hindi na patuloy na madarama'ng lahat ng iniwang hapdi
At kung darating man ang susunod na habambuhay ay ikaw pa rin
Ang iibigin ko
At pipiliin ng paulit-ulit
Oh ohh hanggang sa makamit na ating nais
Laman pa ba ako ng iyong panaginip?
Kapag nahihirapang umidlip
Naririnig pa kaya ang aking himig
Humihingi ng paumanhin
Kung bakit napagod
At di na naiwasang malunod
Sa masalimuot na mundo
At di na nalabanan ang takot
Na darating ang dulong
Pareho nating iniwasan
Ngunit tadhana na ang gumawa ng paraan upang
Di na umasa pa na tayo hanggang sa huli
Nang hindi na patuloy na madarama'ng lahat ng iniwang hapdi
At kung darating man ang susunod na habambuhay ay ikaw pa rin
Ang iibigin ko
At pipiliin ng paulit-ulit
Oh ohh hanggang sa makamit na ating nais
Oh oh Ang pipiliin ng paulit-ulit
Oh oh hanggang sa makamit na ang mithiin
Oh oh Ang iibigin ng paulit ulit
Oh oh At sa tadhana'y tayo na'ng guguhit
Written by: Florence Jay Salcedo
instagramSharePathic_arrow_out