Lyrics

Nakatanaw sa kawalan
Wala na yatang igagaan
Parang nagkakalat na ang lason
sa loob ng katawan
Tila may mga bumubulong
Sa utak ko'y nakakulong
Di masagot ang mga tanong
Di na alam kung san hahantong
Hndi makahinga
Nanlalata
Namumutla
Anino'y nawawala
May katotohanan ba o
Guni... (Guni)
Patuloy na binabagabag ng dilim
Guni... (Guning)
Mapaglaro
Hindi makaalis
Ano ba'ng gagawin?
Bakit ba nagkaganun?
Mga tanong na walang tugon
Sarili wari'y nakakahon
Meron pa bang pagkakataon
Kumakaripas ang mga hakbang
Na para bang sa isip ko'y nagbibilang
ng mga araw na bangungot
Makakatakas pa
Guni... (Guni)
Patuloy na binabagabag ng dilim
Guni... (Guning)
Mapaglaro
Hindi makaalis
Guni Guni
Patuloy na binabagabag ng dilim
Guni Guni
Mapaglaro
Hindi makaalis
Ano ba'ng gagawin?
Written by: Ray Campogan, Sam Molina
instagramSharePathic_arrow_out