Lyrics

At gusto kong malaman kung saan ba sasandal Nalilito sa hangin kung hihinga ba o mag hihingal Pagod na ba ko mag isip Pano sila sagipin Nakakatamad mainis Ayoko na lang alamin Aminin ko man, tanggapin Mahirap maging ako rin Natuto sa bawat yuko ko Salamat sa tulong Sarili papaano biglang nagising Dami ko nang panalangin Sana lahat ay mangyare Ngunit alam kong di pwede Lahat ng bagay kailangan danasin Kahit na di ko gusto Mabasag ung pusong buo Tama si mama sayo Ikaw ung nag sabi Na dapat akong manatili Kaya hanggang ngayon Nandito ako at wala sayong piling Nakakatamad, nakakadala na ulit kumilala ng tao Nakakaasar, napapapikit na lamang sa galit Pero at heto ako Nalayo sa pagiging abo Nalapit sa pagiging ako Nabawasan ang mga bulong Ang sariliy di binibigo Pagkat mali ko'y tinitignan Binibigyan ng pansin agad Bat parang lito pag hindi na sabog Mga sisi ay sakin lamang Syempre ano pa ba dapat ang kailangan ko na gawin Sana malaman nyo rin Sana malaman ko rin Sana malaman mo din At gusto kong malaman kung saan ba sasandal Nalilito sa hangin kung hihinga ba o mag hihingal Lahat ng sobra masama Baka ang oras mawala Sa mga obra ko ibinuhos May mga luha man sa mata Pinilit kumilos Hirap maging pilipino Pano ba makaalis ng bansa Barko, eroplano, bangka Pagod na tumira sa dampa 'Yoko don tumanda Buti pa pera ay merong mukha Pag wala ka ba non Tatawaging dukha Pagod na ako sa kakatayo At sa naka upo Sistema natin malubha Sa dating tuwid na daan Ngayon may lubak Kapag nadapa May pasa Andami ko ng sinasabi Kase wala kong magawa Pero at heto ako Nalayo sa pagiging abo Nalapit sa pagiging ako Nabawasan ang mga bulong Ang sariliy di binibigo Pagkat mali ko'y tinitignan Binibigyan ng pansin agad Bat parang lito pag hindi na sabog Mga sisi ay sakin lamang Syempre ano pa ba dapat ang kailangan ko na gawin Sana malaman nyo rin Sana malaman ko rin Sana malaman mo din At gusto kong malaman kung saan ba sasandal Nalilito sa hangin kung hihinga ba o mag hihingal
Writer(s): Ayzakk Nico Lozano Panganiban Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out