Credits
AUSFÜHRENDE KÜNSTLER:INNEN
R. H. I. O
Künstler:in
KOMPOSITION UND LIEDTEXT
Reuben M. Erpelo
Komponist:in
PRODUKTION UND TECHNIK
R. H. I. O
Produzent:in
Lyrics
Tuloy ang larga
Kahit marami ang gustong umektad Sa saranggola
Salubunguin mo ang hangin na malakas
Habaan ang pisi hatakin mo paitaas
VERSE I
Matayog ang lipad ng saranggola ni pepe
Ngunit marami gustong umembang sa kalye
O sumabit sa poste para lang wasakin
Ang magandang guryon na malakas ang dating
Ngunit siya’s lumilipad pataas hindi pababa
Kahit marami ang humihila sa kanya pababa
At handang salabungin ang mga malakas na hangin
Sisisid pailalim para ang tali mo’y putulin
Kaya maging matibay ka sa bawat pag hampas
Habaan ang pisi sa mga namimintas
At naninira huwag mong intindihin sila
Ang mahalaga lipad ka lang ng parang saranggola
Steady lang sa ere kahit anong mangyare
Tuloy lang lumipad at handa sa pag atake
Nang mang bebengga para umeksena
Lipad ka lang ng mataas at tuloy ang laraga
VERSE II
Tali ko ay punong-puno ng kola
Punong-puno ng bubog na sa dila mo’y hihiwa
Mga planong nyong pagtira at ako’y hilahin pababa
Di uubra ang mga plano nyong may kilya
Lilipad nang matayog saranggola ni pepe
Walang makakapigil pag stay ko sa ere
Mananatili sa laro kahit maraming nag aabang
Tuloy aking lipad kahit marami ang humarang
At marami man manira sakin at umistima
Tuloy aking lipad kahit wala man pumusta
Dinurog ko ng pinong-pino ang mga bote
Sinala nang maigi ang bubog na nilagay sa tali
Para sa sino man ang gustong sumalakay
Isang hila ko lang putol pati sungay
Ektad ang mga plano nyo sa aking pag larga
Neva stop on this game at patuloy na aalagwa
Sa aking paglalayag walang kaba na hinarap
Ang bawat pagsubok kahit na mistulang bumigat
Ang bawat pasanin nasa akin nagpatibay
Upang hatakin ang tali saking mga kamay
At sa bawat pag angat ,bawat sugat katapat
Ay pinilit iangat kahit marami ang sumabak
Tuloy nakipag sabayan sa mga moderno
Ako ang lumang saranggola na matibay ang disenyo
Na patuloy sa paglipad kahit saan mapadpad
Tuloy aking hangarin kahit ilan ang dumagdag
O magtangka na patirin ang aking mga tali
Matibay ang pagka bigkas at handa tong manlagare
Sa mga nais sakin ay sumalakay
Isang hila ko lang putol pati sungay
Ektad ang mga plano nyo sa aking pag larga
Neva stop on this game at patuloy na aalagwa
Yeah marami man humihila sayo pababa
Hayaan mo sila lipad ka lang ng mataas na parang saranggola
BK
Written by: Reuben M. Erpelo