Top Songs By Gloc-9
Credits
AUSFÜHRENDE KÜNSTLER:INNEN
Gloc-9
Künstler:in
Yosha
Leadgesang
Aristotle Pollisco
Leadgesang
KOMPOSITION UND LIEDTEXT
Aristotle Pollisco
Songwriter:in
Lyrics
Nalimutan mo na ba?
Ang lahat ng nangyari
Nalimutan mo na ba?
Ang kwento ng kalye
Nalimutan mo na ba?
Ang lahat ng sinabi
Nalimutan mo na ba?
Ang kwento ng kalye
Iba't ibang tao
Iba't ibang araw
Ang aking nakikita at siyang nakakaulayaw
Simula sa pagsikat hanggang sa pagpanaw ng liwanag
At hanggang sa muli pa n'yang pagdalaw
Sari-sari ang mga naglalakbay at dumaraan
Kahit na ika'y nakasakay o kapapara lang
Para lang bulong ng hangin na tuloy-tuloy
Mabaho man o mabango palagi mong maaamoy
Usad na 'di palangoy
Tawa man o panaghoy
Lahat tayo'y mababasa o mapapaso sa apoy
Dahil ako ang s'yang daan
Kahit buo kong pangalan ay kinatatamarang sambitin
Madiin, marating, tawirin, tiisin
Kung ayaw mo sa'kin, sige, piliin kung alin
Naaalala mo ba ang mga 'storya ng kalsada
Pihitin pabalik ang pahina ng kabanata
Nalimutan mo na ba?
Kung ilan ang sumali
Nalimutan mo na ba?
Ang kwento ng kalye
Nalimutan mo na ba?
Ang lahat ng nangyari
Nalimutan mo na ba?
Ang kwento ng kalye
Aling Celia ang pangalan
Lumuwas papuntang Quiapo
Sumakay ng bus sa may Cubao nang may dumapo
Daw na paru-paro sa balikat, 'yun ang akala
Inipong pera'y nawala kasama ng pitaka
S'ya si Melody, pauwi na galing pang Estrella
Inabot ng hating-gabi, proyekto sa eskuwela
Kailangang tumawid sa eskinita sa Manuela
Sa kasamaang palad, 'di na nakita ang dalaga
Madilim, kasulok-sulukan sa may Boni
'Di na nagugutom ang batang lansangan na si Rolly
Pero 'di s'ya nabusog sa tinapay o pansit
Manhid lamang dahil sumisinghot s'ya ng pandikit
Napiit kahit na 'di ito selda sa Bilibid
Araw-araw napakaraming tao ang naiipit
'Yan lamang ang ilan sa mga 'storya ng kalsada
Pihitin pabalik ang pahina ng kabanata
Nalimutan mo na ba?
Ang lahat ng nangyari
Naliimutan mo na ba?
Ang kwento ng kalye
Nalimutan mo na ba?
Ang lahat ng sinabi
Nalimutan mo na ba?
Ang kwento ng kalye
Galit, reklamo, angal, asar
Init, pahid, pawis, dasal
Tila 'di marating ang tinatanaw na lugar
Napakabagal ng pag-usad parang lakad sa kasal
Pero minsan ang daan na ito'y nagsilbing
Kasagutan sa milyong-milyong hinihinging hiling
Malakas na narinig bulong na nakakabinging
Hinaing na gumising sa ginigising na gising
Pinatunayan sa mundo na totoo ang pagkakaisa
Mas makapangyarihan ang awa't malasakit sa
Kapwa laban sa baril o kahit na tangke
At tapang na katulad na pinagsama-samang kape
Ang kadilima'y napukaw ng bulaklak na sandata
Dahil mas tumatagos ang pagamamahal kesa bala
Pihitin pabalik ang pahina ng kabanata
At huwag mong kalilimutan ang 'storya ng kalsada
Nalimutan mo na ba?
Ang lahat ng sinabi
Nalimutan mo na ba?
Ang kwento, ang kwento ng kalye
Nalimutan mo na ba?
Kung ilan ang sumali
Nalimutan mo na ba?
Ang kwento ng kalye
Nalimutan mo na ba?
Ang tunay na mensahe
Nalimutan mo na ba?
Ang kwento ng kalye
Written by: Aristotle Pollisco