Top Songs By Gloc-9
Credits
AUSFÜHRENDE KÜNSTLER:INNEN
Gloc-9
Künstler:in
Maya
Leadgesang
Aristotle Pollisco
Leadgesang
KOMPOSITION UND LIEDTEXT
Aristotle Pollisco
Songwriter:in
Lyrics
Kahit pa ako'y isang datihan
Na galon-galong pinapawisan
Mananatili pa ring isang baguhan
Kahit gaano kalayo ay mararating
Kasya pa ang aking sukli
Kasya pa ang aking sukli
Kasya pa ang aking sukli
Mula pa noon ay sinimulan ko nang gumapang
Hanggang ngayon ay naka-handa akong lumaban
Lahat ng tanong, mga sagot aking hahanapan
Bawat taon nilakad at dinaanan
Kahit maputikan ang aking sapatos
Na pinag-ipunan ng hirap at pagod
Sa pagtawid sa tulay na walang gabay, sugat sa kamay na
Bawal ang aray kahit mamatay at gutay-gutay pa
Gusto ko lamang sabihin ay 'di mada-
Li ang mga kailangan kong danasin pa-
Ra lang maabot ang kailangan ng aking mga supling
Bagamat mailap ang pagkakataon, pinagkasya ko ang sukling
Sa'kin ay inabot, inunat ang baluktot, bakit tadhana ay malikot
Iwasan ang mayamot kahit na matabunan ka pa ng mga sigalot
Ngunit 'di ka papayag dahil katapangan mo'y 'di maikukubli
Kahit na ano pang sabihin ng iba'y kasya pa aking sukli
Kahit pa ako'y isang datihan
Na galon-galong pinapawisan
Mananatili pa ring isang baguhan
Kahit gaano kalayo ay mararating
Kasya pa ang aking sukli
Kasya pa ang aking sukli
Kasya pa ang aking sukli
Labing walong taon kapag nilingon ay parang balon na malalim
Bawal ang magtapon, dapat mag-ipon, ako ay pison, papatagin
Ang lahat ng pikon 'di makatugon sa mga hamon, uulamin
Sa bawat araw na nagdaraan, ako'y laging nagdarasal, ama namin
Dambuhala man ang naka-harang ay 'di tumitigil, 'di papapigil
Kahit kanino ako'y pursigido na parang baguhan, ako'y nanggigigil
Batang pulibi gutom, bibig ko na 'di pwedeng mapatikom
Sisiguraduhin ko na iyong mariririnig kahit na ito ay pabulong
(Ay pabulong)
Mula pa noon ay sinumulan ko nang gumapang
Hanggang ngayon ay naka-handa akong lumaban
Umaalulong, isa lang ang aking natutunan
Mula ngayon, ikaw ang dapat mong tulungan
'Di papagapos sa daloy ng agos
Kahit na pulaan at laging mamaos
Sa pagsigaw-sigaw, 'pag naliligaw, libag ay ipagpag
Itak mo'y bigaw, bigas ma'y hilaw, 'wag kang bibitaw, 'wag
Kahit pa ako'y isang datihan
Na galong-galong pinapawisan
Mananatili pa ring isang baguhan
Kahit gaano kalayo ay mararating
Kasya pa ang aking sukli
Kasya pa ang aking sukli
Kasya pa ang aking sukli
Written by: Aristotle Pollisco