Lyrics

Nang makilala ka, dumating ang simula ng isang umaga
Puno ng pag-asa, bawat araw ay may dalang simula
Ngunit bakit nagwalay pa
Tadhana ba ay nagtampo sa isa't isa?
Lumuha ang puso, naghihintay na babalikan mo pa
Pag-ibig kong ito
Ipinapangako kong laan lamang sa 'yo
Ipaglalaban ka at 'di magbabago
Buong buhay ko ma'y iaalay sa 'yo
Pag-ibig kong ito
Ngayon at magpakailanma'y laging sa 'yo
Mundo ma'y maglaho, buwan man ay magtampo
Umasa kang ako'y laging naririto
Sa bawat sandali, ikaw ang siyang laman nitong isipan
Kahit subukan man, patuloy na ika'y minamahal
Magwalay man landas natin
Patutunayan kong hindi magmamaliw
Pag-ibig na wagas, pangako ko'y hindi magwawakas
Pag-ibig kong ito
Ipinapangako kong laan lamang sa 'yo
Ipaglalaban ka at 'di magbabago
Buong buhay ko ma'y iaalay sa 'yo, oh
Pag-ibig kong ito
Ngayon at magpakailanma'y para sa 'yo
Mundo ma'y maglaho, buwan man ay magtampo
Umasa kang ako'y laging naririto
Pag-ibig kong ito
Pangako ko sa 'yo
Written by: Joel Mendoza
instagramSharePathic_arrow_out