Credits
AUSFÜHRENDE KÜNSTLER:INNEN
Alyssa Quijano
Leadgesang
KOMPOSITION UND LIEDTEXT
Richard Salazar aka Putito Chief
Songwriter:in
PRODUKTION UND TECHNIK
Jonathan Manalo
Produzent:in
Lyrics
Mahiwaga
Puso’y tila ba nais na maniwala
Nguni’t isipa’y nagtatanong kung tama
Sino ba ang aking dapat pakinggan
Pag kasama
Ay hindi mailarawan ang ligaya
Bakit minsan ang mundo’y ‘di ko mabasa
Di ba pwede na ako’y mapagbigyan
Chorus
Maaari bang pagpili ay iwasan
At sabihin na pareho kong kailangan
Ang aking kinabukasan
At pag-ibig na nais maranasan
Maaari bang hindi na pumili pa
Bakit nga ba
‘Di lahat ng nais ay pwedeng makuha
Merong dapat na maiwan at mauna
Ang hiling ko lang naman ay sumaya
Bridge
O hindi ba pwedeng hindi na
Pumili kung ano ang mas mahalaga
Ang nais lang ay magmahal at mahalin
Ang s’yang makakasama ko
na lakbayin ang bukas
Written by: Richard Salazar aka Putito Chief