Lyrics

Ang sarap nga talaga
Sa tuwing mga mata natin ay magkatagpo
Tila wala na ang kaba
Sa bawat oras ikaw ay nandito
Siguro nga nahulog na, anong saya
Sigura nga mahal kita, ikaw na nga
Pinagtagpo ang ating mga puso
'Di ko na ba ito pakakawalan?
Saan man patungo, ang anumang meron tayo
Posible bang tayo ay magkatuluyan?
Siguro naman
Hanggang ngayon ako'y namangha
Sa lahat ng iyong ginagawa para sa 'kin
'Di mapigilan ang saya
Sa kabila ng lahat, 'andito ka pa rin
Siguro nga nahulog na, anong saya (Anong saya)
Sigura nga mahal kita, ikaw na nga
Pinagtagpo ang ating mga puso
'Di ko na ba ito pakakawalan?
Saan man patungo ang anumang meron tayo
Posible bang tayo ay magkatuluyan?
Siguro naman
Siguro naman
Siguro nga nahulog na, anong saya (Anong saya)
Sigura nga mahal kita, ikaw na nga
Pinagtagpo ang ating mga puso
'Di ko na ba ito pakakawalan?
Saan man patungo (Saan man, saan man patungo)
Ang anumang meron tayo
Posible bang tayo ay magkatuluyan?
Siguro naman
Siguro
Siguro naman
Written by: Kyle Juliano
instagramSharePathic_arrow_out