Top Songs By Nanette Inventor
Credits
AUSFÜHRENDE KÜNSTLER:INNEN
Nanette Inventor
Künstler:in
KOMPOSITION UND LIEDTEXT
Nanette Inventor
Songwriter:in
Noli Cerillo
Komponist:in
Lyrics
'Di na siguro mapapansin pa
Ngayong tila ang mga araw, bilang na
Limot na mga alaala
Wala na bang halaga
Parang kailan lang
Tayo'y nagsasama pa
Pagtingin mo'y nagbago at nanlamig
At kahit kapiling ka pa, isip mo sa iba
Kaba sa aking dibdib ng iyong matuklasan
Na sa akin ngayo'y wala kang mapapala
'Di na siguro makalalakad pa
Ngayong walang kapiling na paa
Mga yapak natin sa dilim
Hanggang ngayo'y damang-dama
'Di mababalikan ngayong ako'y basura na
Nang tayo'y nagsama
Parang barkada
Dikit palagi, hiwalay lang sa banyo at kama
At 'pag galit ka, dumaan ipis o daga
Sabay hubad sa akin
Ibato ako at itapon pa
At 'di man lamang
Tanungin kung ako ay nasaktan
Limot na mga alaala
Wala na bang halaga
Parang kailan lang
Tayo'y nagsasama pa
Nang tayo'y nagsama
Parang barkada
Dikit palagi, hiwalay lang sa banyo at kama
At 'pag galit ka, dumaan ipis o daga
Sabay hubad sa akin
Ibato ako at itapon pa
At 'di man lamang
Tanungin kung ako ay nasaktan
'Di na siguro makalalakad pa
Ngayong walang kapiling na paa
Mga yapak natin sa dilim
Hanggang ngayo'y damang-dama
'Di mababalikan ngayong ako'y basura na
'Di ko na kayang mabuhay pa
Ngayong kulay ng mundo'y kupas na
Aking katawan, pudpod na
Nag-iwan ka pa ng marka
Galing sa 'yong paang tadtad ng alipunga
Nang tayo'y nagsama
Parang barkada
Dikit palagi, hiwalay lang sa banyo at kama
At 'pag galit ka, dumaan ipis o daga
Sabay hubad sa akin
Ibato ako at itapon pa
At 'di man lamang
Tanungin kung ako ay nasaktan
Nasaktan
Wala 'kong magawa
Ako'y isang hamak
Na tsinelas
Na kupas
'Pagkat mayro'n ka nang iba
Binalewala ako
Isang tsinelas
Woah woah
Na pigtas
Written by: Nanette Inventor, Noli Cerillo