Music Video

GLOC9 and jaq dionidsio-kung tama siya.wmv
Watch GLOC9 and jaq dionidsio-kung tama siya.wmv on YouTube

Featured In

Credits

AUSFÜHRENDE KÜNSTLER:INNEN
Gloc-9
Gloc-9
Künstler:in
KOMPOSITION UND LIEDTEXT
Aristotle C. Pollisco
Aristotle C. Pollisco
Songwriter:in

Lyrics

Lahat ay ginawa ko Lahat ay tinaya ko Para sa bayan ko Pero teka, pano kung tama siya Ano ang napala ko Pati buhay tinaya ko Para sa bayan ko Pero teka, pano kung tama siya Tinta at panulat ang ginamit Sa mga pahina ng libro ibinuhos ang galit Nag-aral ng matuwid parang sangi sa aking anit 'Sang dalubhasang nahasa sa hasang na kay pangit Ng amoy nung ako'y magpasyang ituloy Ang pag sulat ng talata na mag sisilbing apoy Sa bawat isang Pinoy na lubog sa kumunoy Ng dayuhan ang mga balot sa kumot na tisoy Kahit na sabi nila ako'y hindi pumapalag Ang aking pagsulat ay isang gawain ng duwag Bakit kailangang magpatayan ng maghapot magdamag Kung sa kalaban ay bato at ang sandata mo'y libag Makalipas ang isang daang taon at limampu Ano ang aking namasdan ano ang aking natanto Para bang ang panahon mula noon ay huminto Sino na bang nakadaan sa nakasaradong pinto Ito ba ang talagang gusto kong kahinatnan Tandaan mo ang laman ng isang kasabihan Aanhin mo ang kalayaan ng mga tinatapakan Kung bukas sila naman ang siyang maghahari-harian Lahat ay ginawa ko Lahat ay tinaya ko Para sa bayan ko Pero teka, pano kung tama siya Ano ang napala ko Pati buhay tinaya ko Para sa bayan ko Pero teka, pano kung tama siya Ito ang sa tingin ko'y tama At ang siyang nararapat Pero teka lang... (Pano kung tama siya) Sa kanila'y huwag kang maawa Yan lang ang syang nararapat Pero teka lang... (Pano kung tama siya) Ako'y isang batang Tondo na anak ng mananahi At sa edad na katorse mga braso'y natali 'Di man natapos sa eskwela nagpatuloy magbasa Nakadampot ng karunungan at namulat ang mata Na ang nagaganap sa aking kapaligiran ay mali At ang tanging sagot sa malalim na sugat ay tahi Silang alipin ng ginto at amoy ng salapi Mga dayuhan na dahilan ng maraming pighati Abuso at kalupitan hindi mo dapat pagtakpan Kung hindi ka lumaban wala kang dapat pagtakhan Ayaw nilang magparaya may humaharang sa daan Wala nang pakiusapan di mo subukang tadyakan Dahil ang kinakayankayanan lamang ay mahina Subukan mong sumigaw kahit maputulan ng dila Ibinuwis aming buhay, natunaw ang kandila At nagbago nang itsura ng tinaas na bandila Ito ba ang talagang gusto kong kahinatnan Kung iisipin ang laman ng isang kasabihan Aanhin mo ang kalayaan ng mga tinatapakan Kung bukas sila naman ang siyang maghahari-harian Lahat ay ginawa ko Lahat ay tinaya ko Para sa bayan ko Pero teka, pano kung tama siya Ano ang napala ko Pati buhay tinaya ko Para sa bayan ko Pero teka, pano kung tama siya Ito ang sa tingin ko'y tama At ang siyang nararapat Pero teka lang... (Paano kung tama siya) Sa kanila'y huwag kang maawa Yan lang ang siyang nararapat Pero teka lang... (Paano kung tama siya) Ito ang sa tingin ko'y tama At ang siyang nararapat Pero teka lang... Sa kanila'y huwag kang maawa Yan lang ang siyang nararapat Pero teka lang... (Paano kung tama siya)
Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out