Credits
AUSFÜHRENDE KÜNSTLER:INNEN
Reycard Duet
Leadgesang
KOMPOSITION UND LIEDTEXT
Bert Reyes
Komponist:in
Lyrics
Kuripot ang ninong ko sa aguinaldong piso
Dagling sumakit ang kanyang ulo
Sa aguinaldong piso, naputpot ang nguso ko
Sampung beses akong pinagmano
Hay nako, Ninong, nalulugi pa ako
Sa pasahe sa pagpunta sa inyo
Hay nako, Ninong, kung laging ganyan kayo
Ay 'di na muli ako mamamasko
Kuripot ang Ninong ko, mayro'n namang negosyo
At maraming kwarta pa sa bangko
May masagwa pang bisyo na kung araw ng Pasko
Ang bahay ay palaging sarado
Aba't itong Ninong ko ay bigla siyang nagbago
Siya'y naging galante't bohemyo
At ang kanyang sikreto nabisto ng Ninang ko
Na siya pala'y mayro'ng number two
Hay nako, Ninong, kay gulo ng buhay mo
Kay hirap-hirap ng pinasukan mo
Ngayon ay Pasko, number one at number two
Ay naghihintay na makapiling mo
Pumalpak ang Ninong ko, nahuli ng Ninang ko
Kumare pala niya ang number two
Kaya pati kumpare, nagalit sa Ninong ko
Binugbog ang ulo ng Ninong ko
Aba't itong Ninong ko ay bigla siyang nagbago
Siya'y naging galante't bohemyo
At ang kanyang sikreto, nabisto ng Ninang ko
Na siya pala ay mayro'ng number two
Hay nako, Ninong, kay gulo ng buhay mo
Kay hirap-hirap ng pinasukan mo
Ngayon ay Pasko, number one at number two
Ay naghihintay na makapiling mo
Pumalpak ang Ninong ko, nahuli ng Ninang ko
Nako kumare pala niya ang number two (patay)
Kaya pati kumpare, nagalit sa Ninong ko
Binugbog ang ulo ng Ninong ko (aray, aray)
Ulo nagkabukol Paskong-pasko
At nagpaskong bukol ang Ninong ko
Lyrics powered by www.musixmatch.com