Featured In

Credits

AUSFÜHRENDE KÜNSTLER:INNEN
Davey Langit
Davey Langit
Künstler:in
KOMPOSITION UND LIEDTEXT
Davey Langit
Davey Langit
Songwriter:in
Therese Villarante
Therese Villarante
Komponist:in

Lyrics

I.
Romeo Vidal, bente siyete anyos
Nars sa ospital, taga Malolos
Katawan ko ay pagal, at sobra nang tagal
Mula nang huli kong mayakap ang aking mama’t papa
Dito ay wala nang kama, nagkakaubusan ng kwarto
Sobrang nang puno, oras oras may tinatakbong bagong kaso
Pila-pilang sasakyan, mga pasyente na walang mapaglagyan
Labing anim na oras na ‘ko dito, walang pumapalit
Mga kasama ko, isa isa nang nagkakasakit
Paano kung ako naman ang tamaan? Paano kung hindi ko pala ito kayang labanan?
Sa nasa itaas, nagmamakaawang na matapos na, nakakapagod na, ayoko na, ‘di na ako makahinga
Chorus:
Hanggang kailan ba ang delubyo? Pagod na pagod na ako
Kailan ba matatapos ‘tong delubyo?
Hanggang kailan ba ganito?
II.
Gabriel Andrada, tatlumpu’t lima
Ahente sa umaga, sa gabi ay banda
Nagrerenta sa Maynila, kasama ang asawa ko’t dalawa naming anak
Nung wala pa ‘tong delubyo, ang hirap nang pagtagpuin ng dulo’t dulo
Kahit pagsamahin pa ang aming sweldong mag-asawa, minsan sapat, madalas parin salat
Biglang nagkaganyan, hindi ko napaghandaan, biglang walang mabentahan, biglang walang matugtugan
Ang dati nang mahirap, mas humirap pa. Kahit anong diskarte ang gawin ko nagkukulang talaga
Paano kung hindi na tayo bumalik sa dati, paano ang pamilya kong batbat ng dalamhati
Sa nasa itaas, parang awa na, nakakapagod na, ayoko na, ‘di na ako makahinga
Chorus:
Hanggang kailan ba ang delubyo? Pagod na pagod na ako
Kailan ba matatapos ‘tong delubyo?
Hanggang kailan ba ganito?
III.
Albert Domingo, singkweta y kwatro, POSITIBO
Hindi ko alam paano ko nakuha ‘to, nag ingat naman ako.
Ang huling naaalala ko namili kaming pagkain
Gayun na rin lahat ng pwede naming kailanganin
Ilang araw lang lumipas, nilagnat ng alanganin, naghahabol ng hangin, ITAKBO NYO NA AKO!
Kahapon lang mapayapang nasa bahay, ngayon isang tangke sa paghinga’y umaalalay
Naisip ko pamilya ko, kailangan pa nila ako, buntis pa ang panganay ko sa una kong apo.
Natatakot na ako, paano kung hindi ko na mayakap ang asawa ko?
Sa nasa itaas, pahingi pa sanang oras, parang awa Mo na, sige na, di na ako makahinga
Chorus:
Hanggang kailan ba ang delubyo? Pagod na pagod na ako
Kailan ba matatapos ‘tong delubyo?
Hanggang kailan ba ganito?
Written by: Davey Langit, Therese Villarante
instagramSharePathic_arrow_out