Featured In

Credits

KOMPOSITION UND LIEDTEXT
Chloe Domingo
Chloe Domingo
Songwriter:in

Lyrics

Ikamamatay ko yata ang sakit
Sa bawat patak ng oras ay mayroong pait
Araw-araw mang manalangin
'Di parin makahinga bawat gising
'Di pa ba ako nagsawa?
Kung dati ay nagmamakaawa
Na huwag kang lumisan
Ngayon, ang hiling ko lang
Huwag ka nang magpakita
Ni magparamdam
Kung ika'y isang bula
Ganiyan ka na lang
Umalis ka na nang tuluyan nang
Magsimula ulit ang daloy ng panahon
Sa aking mundo, ibalik ang araw
Pagod na ang mga ulap sa pagdadalamhati
Umalis ka na nang magsibalikan
Bawat dilaw na inialay ko sa iyo
Ikinamamatay ko talaga ang sakit
Sa pag-alala ng nakaraan ay laging may hapdi
Ganito pala ang magmahal
Dapat lagi kang handang masukuan
Sino bang hindi magsasawa?
Kung dati ay nagmamakaawa
Na huwag kang lumisan
Ngayon, ang hiling ko lang
Huwag ka nang magpakita
Ni magparamdam
Kung ika'y isang bula
Ganiyan ka na lang
Umalis ka na nang tuluyan nang
Magsimula ulit ang daloy ng panahon
Sa aking mundo, ibalik ang araw
Pagod na ang mga ulap sa pagdadalamhati
Umalis ka na nang magsibalikan
Bawat dilaw na inialay ko sa iyo
Sa iyo
Huwag ka nang magpakita
Ni magparamdam
Muli kang magpakita
At magparamdam
Kung ika'y isang bula
Sige, ganiyan ka na lang
Punuin mo ang aking mundo
Nang maalala ko kung paano ngumiti
Sa aking buhay, ibalik ang araw
Ang nag-iisang liwanag ay tanging ikaw
Bumalik ka na nang ako'y mahagkan
Muli ng dilaw na nahanap ko sa iyo
Written by: Chloe Domingo
instagramSharePathic_arrow_out