Top Songs By A Couple Of Notes
Credits
KOMPOSITION UND LIEDTEXT
Noel Zuñiga Cabalquinto
Songwriter:in
Noah Zuniga
Arrangeur:in
PRODUKTION UND TECHNIK
Noah Zuniga
Produzent:in
Angelo Rozul
Mischtechniker:in
Deejay Poblete
Produzent:in
Lyrics
Alam mo na magpakailanman
Ang nais ipangako sa'yo
Kung kaya lang panindigan
Ng isang mortal na tulad ko
Tatanda man at mawawala
Iiwanan ang pag-ibig ko
Asahan mong tapat sa 'king sumpa
Ang habang buhay ay laan sa 'yo
Sa piling mo, bawat saglit may halaga
Na nanaisin ko hangga't ako'y humihinga
Sa piling mo habang tayo ay iisa
May magpakailanman na pansamantala
Alam mo na magpakailanman
Ang nais na marinig sa'yo
Kung kaya lang na suklian
Sakali man na magkatotoo
Tatanda man at mawawala
Babaunin ang pag-ibig mo
Asahan mong tapat sa 'king sumpa
Ang habang buhay ay alay sa'yo
Sa piling mo, bawat saglit may halaga
Na nanaisin ko hangga't ako'y humihinga
Sa piling mo habang tayo ay iisa
May magpakailanman na pansamantala
Magpakailanman ay nasa langit
Wala sa mundong ito, subalit
Sa piling mo, bawat saglit may halaga
Na nanaisin ko hangga't ako'y humihinga
Sa piling mo habang tayo ay iisa
May magpakailanman
Sa piling mo, bawat saglit may halaga
Na nanaisin ko hangga't ako'y humihinga
Sa piling mo habang tayo ay iisa
May magpakailanman na pansamantala
Written by: Noel Zuñiga Cabalquinto