Credits
AUSFÜHRENDE KÜNSTLER:INNEN
Jhego
Künstler:in
KOMPOSITION UND LIEDTEXT
Ferdinand G. Catabay
Komponist:in
Rolando Douggboy Ricalde
Komponist:in
Lyrics
Pinilit kong lumaban nang parehas (parehas)
Umiwas, humimas ng rehas (rehas)
Sa kakahabol ko sa buwenas
Lalo pa akong minalas
Pudpod na ang air tsinelas
Sa kakasabak ko sa laro
'Di laging panalo. madalas pa nga ay bigo
Ganiyan siguro ang tadhana, madalas magbiro
No'ng una, matayog ang lipad ng
Saranggola ni Jhego
Binuo ang pangarap na parang piyesa ng lego
Mulat na mulat na parang kuwago
Wala nang sipat-sipat, sargo lang ng sargo
Palong palo at laging kargado
Walang sinasanto ang bumangga ay giba, sagasa
'Di na umaapak sa preno
Pero teka, teka muna, teka
Sa isang iglap biglang nagbago ang eksena
'Di ko namalayan ang mga lumipas na oras
Ang relos ko sa kamay, napalitan na ng posas
Bawat rosas na sana'y aking inalay sa 'yo
Natapunan ng tagungtong at bayo, uh
Sino sa ginto, pinagsarhan ng pinto
Ang ilusyon ko ngayon ay nahinto
Salamat sa 'yo
Salamat, salamat sa'yo
Salamat sa'yo
Salamat sa'yo
Salamat, salamat sa'yo
Salamat sa'yo
Ito'y para sa 'yo, sa 'yo, sa 'yo, at sa 'yo
Sa 'yo, sa 'yo, at sa'yo (at sa 'yo)
'Di ko inakalang mangyayari pa 'to
Na kahit na anong bagyo nandirito kayo
Nandiri ba kayo nang malaman ninyo
Nagbuno ng takot sa loob ang idolo niyo?
Sa loob ko nabuo mga bersikulo ko
At salamat sa hip-hop naging behikulo ko
Para makatakas sa aking hawla
Bantay ko na buwaya't mga tulisan ko na kasama
Lapis at papel aking asawa
Kasama ko sa hirap at ginhawa, katuwaan ang timawa
Kahit minsan ay tila hanggang dito na lamang
Sa labas ng dingding ay walang maasahan
Ang mga katulad kong wala na daw kinabukasan
Panalangin nalang namin, sana ay maunawaan
Na kami ay tao lamang, gaya mong may kahinaan
Na ang tangi kasalanan ko'y ako'y naging gahaman
Walang napatunayan sa kanilang mga paratang
Ngunit ang kaparusahan ay akin nang pinagdusahan
At kahit makalaya pa ako
Mayro'n pa bang magtitiwala sa kagaya ko?
'Di na maibabalik pa ang mga ninakaw na oras
Pero salamat pa rin sa bagong araw na 'to
Salamat sa 'yo
Salamat, salamat sa 'yo
Salamat sa 'yo
Salamat sa 'yo
Salamat, salamat sa 'yo
Salamat sa 'yo
Salamat sa mga dumalaw (hey)
'Di man ito araw-araw (Hey)
Ang lungkot medyo nababawasan
Ang ligaya sa loob medyo may kababawan
Tanging kayamanan ay mga tawanan
At 'di dapat madungisan ang iyong pangalan
Batas ang natutunan at salamat sa lansangan
Ang init at alinsangan, akin nang nakasanayan (ooh)
Salamat sa hangin na sariwa (sariwa), ngayon ako ay malaya
Jay, DJ Makoy, Jake Peratiena, kayo ang aking inspirasyon
Pagpasensyahan nyo na mga araw nawala
Napahaba ang aking bakasyon
Salamat kuya Bong, Ate Lani, at Dash
Lagi kayong handang tumulong pag ako'y kapos na sa cash
Buwan na lumabas may bago na akong trip
Salamat Doc Carlo 'cause I'm still legit
Salamat sa iyo, Liit, may natutunan ako (may natutunan ako)
'Di pa pala tapos ang laban, 'di dapat na panghinaan
Dahil sa 'yo, lumakas muli ako
Salamat sa iyo, Malate, yakap mo pa rin ako
Kahit medyo nanibago ako sa entablado
Salamat sa mikroponong hindi nagtampo, uh
Sa-sa-sa-sa-salamat, sa-sa-sa-sa-sa-sa-salamat
Mikropono, mik-mik-mik-mikropono, mi-mi-mik-mik-mikropono
Mi-mi-mik-mik-mikroponong hindi nagtampo, tampo, tampo
Tampo, tampo, hindi nagtampo
Tampo, tampo, hindi nagtampo
Tampo, tampo, hindi nagtampo
Written by: Ferdinand G. Catabay, Rolando Douggboy Ricalde