Featured In

Lyrics

Ang yakap ng iyong pakpak
Dala hanggang sa panaginip
Bigla akong tinanong sa aking isip
Tulad mo'y kathang isip na lamang ba?
Sadyang mahiwaga, 'di makapaniwala
Mukhang nagkatotoo na
Lagi nang hanap, hinahagilap
Gustong makausap ka na
Wala akong sasayanging bawat sandali
Kundi lagyan ang labi mo ng ngiti
Baliw na baliw na ako sa 'yo, kailan ka ba makapiling?
Kung nasa tabi mo ang tulad ko, mayro'n akong nais sabihin
Ano bang mayro'n ka na wala ang iba?
Nais kong makilala ka
Nais kong makadama ng kamay
At yakapin ka kahit na malabo na
Anghel sa lupa
Tila na nababalutan ka ng hiwaga
Lagi kang hanap-hanap ko
Sana nga ang lahat ng ito ay magkatotoo
Ilang beses nilingon
Pero 'di ka mahagilap, parang mailap ka
Sadyang talagang napakahirap
Na maabot ang pinapangarap ko palagi sa tuwina
Hahawakan ka'y lagi kang tinatangay
Na parang alikabok
Pero 'di ko magawa na madama ka
Pagkamalapitan, lalapitan, ako'y nawawala
Ang puso ko'y tumitibok nang mabilis
Gusto ko nang pabagalin ang kamay ng orasan
Agwat man ang pagitan natin
Pero pinipilit kong ika'y matapatan
Ng pagmamahal ko
Na napakatagal ko
Na sa 'yo na itinatago
Kaso langit at lupa agwat natin sa isa't isa
Napakalabo na maganap ang mga bagay
Na sa 'yo lang nakasalalay
Palaging nakaantabay
Sa mga darating na panahon
Ay 'di na pwede pa na maganap
Kaya sinusulit ko na kahit imposible tayo magkasama
Sana bigyan ako ng pag-asang
Makita kita nang mata sa mata
'Yan palagi kong dinarasal
Sana minsan pakinggan ako ng Maykapal
Ikaw lang ang babaeng pinapangarap ko
Na makasama habang-buhay
Sana tayo'y ikakasal sa harapan ng altar
Ibibigay ko ang buhay ko
Ibibigay ko anuman ang gusto
Para mapatunayang ikaw ang tunay ko na minamahal
Kahit na alam kong bawal 'to
Ang nadarama ko ay hindi ko kayang mapigilan
Palagi na sasabihin sa mga oras, sa mukha mo
Ay iisa ginuguhit sa isipan ko
Dahil pagmamahal ko sa 'yo, saksi pati langit
Kaya kong pagtiisan ang mga pangit
At mga pangungutya at mga lait
At subalit, talaga tayo'y magkaiba
Mga mundo natin ay magkalayo
Ngayon ko napatunayang kaya kitang pag-alayan
Na tadhana sa 'tin na mapagbiro
Kaya bilang panghuli
Ang hininga ko ay puputulin ko
Upang makasama ka
Dahil para sa 'kin, ikaw ang nag-iisang anghel ko
Ano bang mayro'n ka na wala ang iba?
Nais kong makilala ka
Nais kong makadama ng kamay
At yakapin ka kahit na malabo na
Anghel sa lupa
Tila na nababalutan ka ng hiwaga
Lagi kang hanap-hanap ko
Sana nga ang lahat ng ito ay magkatotoo
Ano bang mayro'n ka na wala ang iba?
Nais kong makilala ka
Nais kong makadama ng kamay
At yakapin ka kahit na malabo na
Anghel sa lupa
Tila na nababalutan ka ng hiwaga
Lagi kang hanap-hanap ko
Sana nga ang lahat ng ito ay magkatotoo
Ano bang mayro'n ka na wala ang iba?
Nais kong makilala ka
Nais kong makadama ng kamay
At yakapin ka kahit na malabo na
Anghel sa lupa
Tila na nababalutan ka ng hiwaga
Lagi kang hanap-hanap ko
Sana nga ang lahat ng ito ay magkatotoo
instagramSharePathic_arrow_out