Featured In

Lyrics

Meron akong kukuwento, tungkol sa isang babae na
Kapag kasama ko, ay wala naman akong masabi sa kanya
Kasi naman nangingibabaw ang kaba
Isip ko'y litong-lito at gulong-gulo na talaga
Di ko manlang mabigkas dahil ako'y natatakot
Pakiramdam ko, sa puso ko meron daga na bumabalot
Ligaw tingin nalang ba ano bang dapat kong gawin?
Ah... Alam ko na mag papa cute sabay duyan kakantahin
Kukulitin, aasarin ng sa ganun ay mapansin
Mag-papasikat at ililibre ko pa siya dun sa canteen
Sabay napansin limang piso nalang ang pera ko
Ano ang bibilhin? Pano paba mag-kakasya to?
Buti nalang nakita ko merong mamang surbetero
Manong pabili nga po ng ice cream
Yung flavor chocolate at manggo
Sabay seniyas wala na iho, ubos na paninda ko
Malas ko ngayong araw sabay kamot sa ulo ko
Natatakot akong sabihin na mahal kita
Lihim na pag tingin baka di mo tanggapin
Yan ay di ko makakaya
Natatakot akong sabihin na mahal kita
Ano ang dapat gawin? Paano sasambitin?
Kung ang puso ko ay binabalot na ng kaba
Araw ng linggo, araw na nakakabangot
Hindi ko siya makikita
Kaya pala ako'y nalulungkot
Mag-sisimba nalang at mag dadasal kay God
Lord gabayan mo po ako para aking malahad
Ang nararamdaman ko, tama po ba o mali?
Bata pa naman ako, mukang hindi dapat mag madali
Mananahimik nalang ba? uupo sa isang tabi
At sasabihin sa sarili, malabong maging kami
Hay... Ang hirap ng ganito puwede bang humiram ng tapang?
Ngunit bakit pakiramdam ko merong mistulang nakaharang sa puso ko'y
Iniisip ko parang meron naka bara
Daig ko pa ang taong nag tatago sa likod ng maskara
Puso ko'y nahihirapan na
Ano ang dapat kung gawin? nadarama naka tago
Pano ko sasambitin sa tuwing ika'y kaharap
Ako'y laging nauutal, hanggang kailan panghahawakan lihim na pag-mamahal?
Natatakot akong sabihin na mahal kita
Lihim na pag tingin baka di mo tanggapin
Yan ay di ko makakaya
Natatakot akong sabihin na mahal kita
Ano ang dapat gawin? Paano sasambitin?
Kung ang puso ko ay, binabalot na ng kaba
Pano mo nga naman mapapansin?
Ang pusong nag baba-sakaling
Mapalapit sayo, kung pag-bibigyan ng pag kakataong masabi
Ang matagal ko ng nilihim na pag tingin
Sa kadahilanan kahit na konting lakas ng loob
Ay 'di mapanghawakan at parang wala ng
Pag-asang naiwan sa akin
Dahil di ko magawan na aminin
Parang nakabara sa aking damdamin
Salitang nais kitang mapa-sakin
Ang sakit tuwing nakikita, kita ay
Tinuring ko ng isang ispirasyon
Na syang lungkot pag naisip ko na
Tila napakalabo dahil sa rason
Ang aking kalooban na di ko malaman
Kung bakit nga ba lagi na may pangamba
Pwede ko naman ipag-tapat sayo na mahal kita
Madaling sabihin pero may kaba
Kung di man ngayon, sana balang araw ay malaman mo na ang pagtingin
Mula sa akin ng galing, bawat sa salitang tunay na minamahal kita
Ako'y palarin ng sa ga'yon
Maging katuparan na ang pag-ibig at walang alinlangan
Sa takdang panahon na mailahad ko sayo, na ikaw nalang ang kailangan
Pansin na sayo nilaan, nalingid sa kaalaman na pinangako
Upang makumpleto ang buhay at makalaya narin ang nakatago
Natatakot akong sabihin na mahal kita
Lihim na pag tingin baka di mo tanggapin
Yan ay di ko makakaya
Natatakot akong sabihin na mahal kita
Ano ang dapat gawin? Paano sasambitin?
Kung ang puso ko ay, binabalot na ng kaba
Natatakot akong sabihin na mahal kita
Lihim na pag tingin baka di mo tanggapin
Yan ay di ko makakaya
Natatakot akong sabihin na mahal kita
Ano ang dapat gawin? Paano sasambitin?
Kung ang puso ko ay, binabalot na ng kaba
instagramSharePathic_arrow_out