Titres les plus populaires de $hogun
Paroles
Galing ako sa wala kaya hindi na 'ko takot
Na sumubok kahit ilang beses mang mapaluhod
Alam ko na gagana, 'di nawalan ng pag-asa
At balang araw mananasa sa mga binato ko sa tala
Kaya nandito ako at tuloy parin
Salamat sa lumisang 'di na dapat lingunin
Oo aking kikilusan, gusto lamang na takasan
Kahirapang naka-harang, pipiliting talunin
Hindi madali ang mga lalakaran kaya lalong ginaganahan
Sadyang ganito ang buhay magulo
Ating makakayanan ng walang tinatapakan
Diretcho lamang sa pakay, 'di na pwedeng malito
Tuloy mo lamang kung ano ang yong nasimulan
Hayaan mo sila na puro husga lang alam
Kailangan kong umusad abutin aking pangarap
Hanggang sa lalong lumawak yung mga naka-abang
Araw-araw ginagalingan lahat ng pangarap makukuha
Basta dedikado ka't seryoso basta ginagalingan, laging ginagalingan
Lahat ay nanggaling dyan wag kang panghinaan ng loob
Tuloy mo lang dahil halos lahat naman sila'y nanggaling dyan, lahat ay nanggaling dyan
Ang daming nagagalit dyan, wag nang pansinin ang sinasabi ng mga naiinis
Hayaan mo silang magalit dyan, hayaan mo magalit yan
Marami man dyang dahilan, ayos lang, hindi ko para hindian
Hindi mo masasabi kung hanggang kailan ka pa nandyan
Sobrang daming kasalanan na gusto na malimutan
Upang sarili ko lang ay masagip
Mga alaala na hindi nawawala sa isip ko marka
Ng nakaraan ko na napakasakit
Pero 'dami nang nangyari, 'dami na rin ang nagbago
Hindi na katulad ng dati, kailangan mong matuto
Kailangan magsumikap hindi ka aabante
Kung palaging magugulat sa mga pangyayare
Wag kang matakot kapatid nandito ako para sagipin ka
Hindi mo man masabi kung ano yung dahilan
Wag kang mag-aalala hindi ka pagtatawanan
Gusto lang kitang tulungang
Mga tala abutin
Gamit dalawang kamay
Sabay nating damahin ang mga bawat sandali
Magtiwala ka sa sarili yan ang mabisa
Meron man samin na naka-abang kami ay nakahanda na
Ok na kami dito sa may taas, sige na bumaba ka
Kung meron man samin na naka-abang, kami ay nakahanda na
Ok na kami dito sa may taas, asul na bandanna
Ang dami kong pasanin sa likod at saking isip yeah
Nanatili na matibay ang damdamin sa bawat binabato ng daigdig yeah uh
Kahit daming panalangin na hindi nadidinig
Sa kabiguan ay hindi basta nag pa-daig
Sanay ng matalo kaya gustong makapanik yeah
Gustong makapanik hindi na babalik
Sa baba 'di na babalik yeah
Kasama kong kumain yung katulong kong umani
Mula pa lang nung una
Kilala ko na kung sino ang makakasama
Kona rumebanse
Kung sakaling mabigo pa
Pero 'di papayag na ditong walang mapapala
Sinasagad ko na bawat atake malala
Bulag at manhid ka kung hindi mo pa nahalata
Na ginagawa ko lahat upang tala mapa-baba