Letras

Inilista ko sa tubig mga taong tumabla
At nagtira ng saktong kasya lng sa dalang bangka
Wala nang baba pag nairaos sa tuktok
Baybayin natin ang dagat pagkatapos mamundok
Kaibigang mga tunay kala mo galing sa ukay
Di naumay sa dami ng gintong aral na nahukay
Buhay ay sadyang ganyan minsan ay papabor
Sobrang simple lang kaya wala nang meta metaphor
Natutunan ko kung pano kumalma at umunawa
Hinarap ang paghibirap sa likod ng mga tawa
Ala-alang tumatak na sa utak gumagana
Nagsasabing ang sarap pala mabuhay ng payapa
Kulay dugo kong paningin na hawig sa isang rosas
Ang syang lunas sa dilim ng mundo ko na naiposas
Maging masaya ngayon at sa pagdating ng bukas
Kung ayaw mo maaksaya nalalabi mong oras
Dami dami mo nang tropa iilang lang ang tunay
Anghel sa umpisa ngunit lalabas din ang sungay
Wag ka na magtaka, kilala mo sila
Kaya magingat ka at baka mabiktima
Dami dami mo nang tropa iilan lang ang tunay
Lampas sa kumpulang ulap mga nais maapuhap
Sa taas nakakalula halos di na nga masukat
Sa tumal ng suporta at karera kong makupad
Pasalamat sa nagtulak sakin para maka usad
Wag hayaang mabulgar mga sikretong nakatago
Daming feeling escobar na sa sistema nagpa lason
Tuloy lang sa pag andar san man dako mapadayo
Umiwas sa lugar na di malaglagang karayom
Ngayon, burado na mga alam lng ay manghila
Paibaba at nanatili yung mga may tira
At lahat ng yan ay aking mga kaututang dila
Na ang usapan mga plano imbes paninira
Kalat ang ahas sa paligid ingat lagi sa pagpili
Ng landas wag mo ipilit kung di para sa sarili
Dapat lang namang maging masuri't mabusisi
Pagkat sa huli nakaabang sayo ang pagsisisi
Dami dami mo nang tropa iilan lang ang tunay
Anghel sa umpisa ngunit lalabas din ang sungay
Wag ka na magtaka, kilala mo sila
Kaya magingat ka at baka mabiktima
Dami dami mo nang tropa iilan lang ang tunay
Puno ng pakikisama bunga nyan ay kaibigan
Bilang lang yung andyan sa oras ng 'yong kagipitan
Pag andyan ka' t kaharap okay pare mahinhinan
Pagtalikod ka agad mga kumag hagikgikan
Mga hubad na hubad na katangian
Pagtapos mong kamayan palihim kang pandidirian
Mga nasilaw sa baryang nagtagintingan
Pinahaba ko yung oras dahil buhay maikli lang
Naging baon ko ang aral nung ako'y minsang natisod
Sa pagbangon pagharap kita kung sinong tumalikod
Madami ang nabilog sirkulong nagpapaikot
Tanda ko din lahat kung sinong di nakakalimot
Ibalanse ang tiwala di na dapat pang ikwento
Tandaan gubat parin kung nasaan tayo kongkreto
Na may nagkatawan na ahas sa kada merong engkwentro
Walang labanan na patas sa mga di marunong makuntento
Dami dami mo nang tropa iilan lang ang tunay
Anghel sa umpisa ngunit lalabas din ang sungay
Kilala mo sila kaya mag ingat ka
Yung dating sampung tropa ko ngayon naging lima
Dami dami mo nang tropa iilan lang ang tunay
Dami dami mo nang tropa iilan lang ang tunay
Anghel sa umpisa ngunit lalabas din ang sungay
Kilala mo sila kaya mag ingat ka
Yung dating sampung tropa ko ngayon naging lima
Dami dami mo nang tropa iilan lang ang tunay
Written by: Ambrosio Boys Records
instagramSharePathic_arrow_out