Top Songs By Arthur Nery
Credits
AUSFÜHRENDE KÜNSTLER:INNEN
Arthur Nery
Künstler:in
KOMPOSITION UND LIEDTEXT
Arthur Nery
Songwriter:in
Axel Fernandez
Arrangeur:in
PRODUKTION UND TECHNIK
Arthur Nery
Produzent:in
Axel Fernandez
Produzent:in
Lyrics
Yakap ka na lang 'pag aalis ka na
'Di na kailangan na pag-usapan pa
Kasi ibang daan ang 'yong nais na tahakin
Ang alam ko ay ang sa 'tin lang
Kahit sa pagbitiw, ang pakiramdam ko'y
Gumagaan sa init ng bawat segundo
Siguro ay nag-aalinlangan ka pang umalis
Oh, ba't mo pa kasi 'to papalitan? Hmm (oh pa'no na lang?)
Sino'ng sisisihin kung wala rin namang (kausap? Sayang)
Dati na 'kong pinangakuan
Hindi na dapat ito nakakapanibago
Mayro'n na sanang patutunguhan
Kung sinasabi mo lahat ng 'yong hinanakit
Oh, hindi naman ito yata patas? Hmm
Na ang tangi kong pinapapasok
Sa aking puso'y nagmamahal sa labas
Sa labas
May iba ka na ba?
'Wag mo na munang isipin 'yong atin
Kung tayo talaga, pipiliin pa rin kita
Kahit magdamagan akong maghihintay, tayo lang, ah
Oh, ba't mo pa kasi 'to papalitan? (Oh pa'no na lang?)
Sino'ng sisisihin kung wala rin namang (kausap? Sayang)
Dati na 'kong pinangakuan
Sa kahel na kalangitan, ako ba'ng uuwian mo?
Mo
Takipsilim na naman
'Yong kapiling mo ay lihim mo na pinipili mula noon
Sa'n ako maghihintay sa 'yo?
Sa nakaraang 'di buo o sa 'di kasiguraduhang dulo?
Oh, ba't mo pa kasi 'to papalitan? Oh, whoa
Sino'ng sisisihin kung wala rin namang (kausap? Sayang)
Dati na 'kong pinangakuan
Alam ko na ang dulo nito, oh, ooh
Oh, ba't mo pa kasi 'to papalitan? (Oh, ba't pa kasi papalitan?)
Sino'ng sisisihin kung wala rin namang (kausap? Sayang)
Oh, ba't mo pa kasi 'to papalitan? (Oh, ba't pa kasi papalitan?)
Oh, ba't mo pa kasi 'to papalitan? (Pasabi, pasabi, pasabi na lang)
Oh, ba't mo pa kasi 'to papalitan?
Sino'ng sisisihin kung wala rin namang kausap? Sayang
Writer(s): Arthur Nery
Lyrics powered by www.musixmatch.com